Sabado, Mayo 25, 2013

ANG AKING TALAMBUHAY


Ako po si Mary Joy S.Gregorio,labing siyam na taong gulang na babae.Ako ay nakatira sa Combot, San Jose, Romblon.Ipinanganak ako noong Marso 3,1994, sa Combot, San Jose, Romblon.Nakapagtapos ako ng elementarya sa San Jose,Central,School.At nakapagtapos naman ako ng secondarya sa San Jose,Agricultural,High School.Sampo kaming magkakapatid,anim na lalaki at apat na babae.Ang pangalan ng nanay ko ay si Crispina S.Gregorio,at ang tatay ko naman ay si Javier V. Gregorio.Walang trabaho ang nanay ko,ang tatay ko naman ay Brgy.Capitan.Mahirap lang po kami, dahil walang trabaho ang apat kong kuya,at ang tatlo kong
ate ay my mga asawa na.Ako po ay naaawa sa aking mga magulang.Kaya ako nag aaral para makapaghanap ng magandang trabaho.Ang nag papaaral sa akin ay ang kuya ko na nagtatatrabaho sa Boracay.Ang pangalan niya ay si Jonry S. Gregorio.May asawa na po siya at my isang anak na lalaki.Siya lang po ang my trabaho sa aming magkakapatid.Hanga po ako sa kanya kahit my pamilya na po siya ay napapag aral pa po nya ako.Kung minsan pa po pag walang pira ang mga magulang namin ay sa kanya pa humihingi.Ang Tatay ko po ay lasinggero at sugarol.Kung minsan ang sahud niya ay nauubos lang sa kanyang mga bisyo.Kung minsan pag umuwi siya ng bahay ay lasing,tapos inaaway niya ang nanay.Hay! naku ang buhay nga naman kung minsan malungkot at kung minsan masaya.Ang ate ko naman na ang pang apat sa sampo kaming magkakapatid ay pinag aral ng aming mga magulang pero hindi nakapagtapos dahil nag asawa,nagkaroon ng isang anak na lalaki.At ang ate ko ngayon ay nasabahay nag aalaga lang ng kanyang anak.At kung minsan lang nagpapadala ang tatay ng kanyang anak kaya kung misan ang tatay ang bumibili ng gatas ng kanyang anak.At ang iba ko namang mga kuya ay tambay lang sa bahay,walang ginagawa kundi ang matulog,kumain,sumugal,umiinom ng alak at mag palaboy laboy,magpapalipas ng oras sa pag lalaro ng basketball,uuwi kakain at aalis nanaman.Tapos kung minsan pag umuwi ng bahay lasing.Kaya ako hindi ako gagaya sa kanila.Malungkot ako,dahil nag aral ako,tapos hindi ako nakatapos dahil kulang ang pera sa pang bayad sa paaaralan.Semple lang naman ang gusto ko ang tahimik na buhay at masaya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento