Sabado, Mayo 25, 2013

ANG AKING KARANASAN

Marami akong karanasan sa aking buhay na hindi ko malilimutan.Noong bata pa ako palaging nag aaway ang nanay at ang tatay.Nag aaway sila dahil sa akin,sapagkat hindi ako matanggap ng tatay na anak niya ako.Masakit pakinggan na hindi niya ako matanggap na anak niya ako.Lagi niya akong pinapagalitan at pinapalo,kahit wala akong kasalanan.Kung minsan tinutukso ako ng aming mga kapitbahay na ampon daw ako.Masakit pakinggan,wala akong magawa kundi ang umiyak nalang.Hanggang ngayon pag nag aaway ang nanay at tatay naririnig ko parin na hindi niya ako anak.Kung minsan umaalis ako ng bahay,pumupunta ako sa tita ko,at ang payo naman ng tita ko, paano daw na hindi niya ako anak eh magkamukha daw kami.Ngayon hindi ko nalang pinapansin ang mga sinasabi ng tatay ko.At hindi ko malilimutan na nahulog ako sa puno ng bayabas graveh!nabali yung paa ko.Hay naku hindi talaga ako nakapag aral ng tatlong linggo.At hindi ko malilimutan na nag aral ako ng computer sa Katiklan.Nag papasalamat ako sa aming guro.Masaya ako dahil natutu ako kong paano gumamit ng computer.Noong una kinabahan talaga ako graveh,kasi first time ko palang makahawak ng computer.Dahil doon sa paaralan namin meron ngang computer hindi naman kami tinuturuan.Kaya masaya ako dahil natoto na ako.
Magdagdag ng caption

ANG KWENTO NG TATLONG MAGKAKAIBIGAN

Ang pangalan ng tatlong magkakaibigan ay si Ma.Elaine,Myra,at Mary joy.Si Ma.Elaine ay maganda,mabait pero kung minsan suplada,mahiyain,di maramot,hindi kulot ang buhok,maputi,palatawa,at masaya kasama.Si Myra naman ay matangkad,mabait,palatawa,di mahiyain,masipag,di maramot,kulot ang buhok,at masaya kasama.At si Mary joy naman ay mabait,jejeje...syempre ako yan ang magkukwento sa sa inyo.Masaya kami noong nag aaral kami ng secondarya sa San Jose,Agricultural,High School.Kung minsan pag dating namin ng paaralan hay naku si Myra kumakain kaagad kahit hindi pa tamang oras ng pamemeryenda.Si Myra kasi laging nagugutom,walang ginagawa kundi ang kumain.Kung minsan nga Nahuhuli siya ng guro namin pinapagalitan siya,kasi lihim na kumakain kahit nagtuturo ang guro namin.Hay naku si Myra talaga subrang matakaw sa pagkain.Si Ma.Elaine naman hay naku ito minsan lang nag memeryenda,kasi di mahilig sa pagkain,kaya ayon payat ang pangangatawan.Pero siya ang malaki ang baon sa aming tatlo.Ang niya sa isang araw 50,kung minsan naman ay 100.Samantala ang sa kay Myra naman ay 30,kung minsan 50.At sa akin naman ay 20 lang.Kasi mahirap lang kami.Kaya araw araw lagi akung nililibre ni Ma.Elaine.Kung minsan naman pag tanghaling tapat pag tinamad na pumasok ng paaralan ang isa sa aming tatlo,hay naku tatlo din kami di mag aaral.Hindi kami umuuwi ng bahay hanggat hindi pa labasan ng paaralan,para hindi malaman ng aming mga magulang.Ang ginagawa namin pumupunta kami sa tindahan at doon kami tumatambay,kumakain ng kung ano ang gustong kainin,at manuod ng tv habang nag hihintay na may dumaan na estudyanti,at tatanungin namin kung labasan na.Kung labasan na ayon uuwi na kami.Hay naku ang kaibigan nga naman,kung ano ang gusto un din ang gagawin.Tulad nalang ng susuuting damit,pinag uusapan kung anong kulay.Kung pink ang susuutin ng isa un din ang iba.Ang magkakaibigan ay nagkakaisa,nagmamahalan,nagbibigayan,at nagkakaunawaan.Kaya ako mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko. 

ANG AKING TALAMBUHAY